Advertisement

Responsive Advertisement

DEAN’S LISTER, KINASTIGO MATAPOS DI AGAD ISAULI ANG HALOS ₱20K MULA SA MALING PADALA SA GCASH

Miyerkules, Mayo 21, 2025

 



Isang college student at dean’s lister mula sa Maguindanao ang umani ng matinding batikos online matapos umanong tanggihan ang agarang pagbabalik ng ₱18,950 na aksidenteng naipadala sa kanyang GCash account noong Mayo 2, 2025.


Sa viral Facebook post ng netizen na si Christabelle Tan mula Las Piñas, iginiit niyang si Nurhamien Ali, ang tumanggap ng maling padala, ay unang pumayag lang ibalik ang kalahati ng pera. Binalik umano ni Ali ang ₱10,000 pero tumangging isauli ang natitirang halaga na ₱8,950, dahil daw ito ay kanyang ipangnenegosyo.


"Ang edukasyon ay hindi lang sa utak, kundi sa asal. Ang pagiging dean’s lister ay hindi batayan ng talino kung hindi ito sinasabayan ng tamang prinsipyo. Hindi kailanman magiging ‘murang halaga’ ang pera kung ito ay pinaghirapan ng iba. Maging ehemplo ka ng integridad, hindi ng pang-iinsulto." - Nurhamien Ali


"May 2, 2025 at 12 p.m., may na-wrong send sa GCash number mo. Pinakiusapan kang ibalik ng buo, pero ang sabi mo, 50% lang ang ibabalik mo. Pag di pumayag, di mo ibabalik ng buo," ayon sa post ni Tan.


Ayon sa mga screenshot at kwento, maraming kaibigan at kamag-anak ang tumulong kay Tan para kausapin si Ali, pero lahat ay dinedma. Nang lumaki na ang issue online, saka lang daw ibinalik ni Ali ang ₱3,000, pero sinabi nitong ang natitirang ₱5,950 ay ibabalik lang kung mag-aapologize in public si Tan at ang mga netizen na nag-call out sa kanya.


Lalo pang uminit ang isyu nang lumabas ang mga screenshot na nagpapakitang bumili umano ng pagkain at personal items si Ali, gamit daw ang perang na-wrong send.


“Sarap bang kumain gamit ‘yung perang hindi n’yo pinaghirapan?” tanong ni Tan sa kanyang post.


Sa kanyang depensa, sinabi ni Ali na hindi niya ginamit ang pera at naiinis siya sa tono ng pakikipag-usap ng pamilya ng sender.


“Wala akong ginalaw sa pera n’yo dahil may pera din ako. Gaganahan ka bang ibalik ‘yung pera kung ganyan kausap sa’yo?”

“At the first place, dedma ako sa basher dahil ‘di rin naman ako affected jan sa murang halaga ng pera n’yo.”


Sa panahong halos lahat ay umaasa sa digital wallets tulad ng GCash, ang insidenteng ito ay paalala sa lahat ng gumagamit ng teknolohiya: ang pagiging tapat ay mas mahalaga kaysa sa maliit na halaga. Bilang dean’s lister, inaasahan ang mas mataas na pamantayan ng ugali at integridad, lalo na sa simpleng tanong: Kapag alam mong hindi sa iyo ang pera, bakit hindi mo agad isinauli?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento