Advertisement

Responsive Advertisement

“NEVER TAYO BABALIK SA DATI” DPWH SEC. VINCE DIZON DETERMINADO SA BAGONG DIREKSYON NG PAMAHALAAN SA DIREKTIBA NI PANGULONG MARCOS

Lunes, Disyembre 15, 2025

 



Matapang na nagbigay ng katiyakan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa harap ng Bicameral Conference Committee


“Never tayo babalik sa dati. Hindi na pwede ang lumang sistema. Kung gusto nating matapos nang tama at maayos ang mga proyekto, kailangan natin ng sapat na pondo pero anumang desisyon ng Bicam, rerespetuhin namin.”  -DPWH Sec. Vince Dizon


Ito ang tugon ng kalihim matapos ipaliwanag kung bakit kailangang ibalik ang tinapyas na pondo ng DPWH para sa 2026. Ayon kay Dizon, ang pagtaas ng presyo ng mga materyales, mas mahigpit na engineering standards, at mas malalaking proyektong kailangang ihatid sa publiko ang dahilan kung bakit hindi na sapat ang kasalukuyang nakalaang budget.


Sa pagharap niya sa Bicam, nilatag ni Dizon ang argumento na ang DPWH ngayon ay hindi na raw kagaya ng nakasanayan: wala nang palyadong proyekto, walang puwang para sa substandard, at wala ring espasyo para sa outdated costing at poor implementation. Kung gusto raw ng bansa na umusad, kailangan ng tamang pondo hindi tira-tira.


Ipinahayag din niya ang pag-asa na naipaliwanag niyang mabuti sa mga senador at kongresista kung bakit kritikal ang ibalik ang tinapyas na pondo. Sa kabila nito, iginiit ni Dizon na rerespetuhin ng ahensya ang anumang magiging pasya ng Bicameral Conference Committee.


Ang pahayag ni Vince Dizon ay hindi lamang paghingi ng budget, ito ay deklarasyon ng pagbabago. Sa harap ng mga batikos, pagdududa, at kontrobersiya sa DPWH, sinisiguro ng kalihim na bagong direksiyon ang tinatahak ng ahensya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento