Advertisement

Responsive Advertisement

“HINDI KO TALAGA GUSTO MAG-POLITIKA NOON PA” PANGULONG MARCOS INAMIN KUNG BAKIT AYAW NIYANG SUNDAN ANG YAPAK NG MAGULANG

Huwebes, Disyembre 11, 2025

 




Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi talaga siya naghangad na pumasok sa pulitika noong kabataan niya. Sa isang podcast episode kasama ang mga editor mula sa iba’t ibang student publications, deretsahang inamin ng Pangulo na kung hindi siya ipinanganak sa pamilyang Marcos, malamang ay hindi niya tatahakin ang landas ng pulitika.


“If I wasn’t born in my family, I really did not want to enter politics. Nakita ko kasi ‘yung hirap na dinaranas ng mga magulang ko. Noong bata ako, hindi ko talaga gustong sundan ang landas nila.” -President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ayon sa Pangulo, ang malaking rason ng kanyang pag-aatubili noon ay ang bigat ng responsibilidad na nakita niya sa kanyang mga magulang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos. 


Lumaki umano siyang nakikita ang hirap, pressure, at sakripisyong dala ng pamumuno, kaya’t bata pa lang siya ay alam niyang hindi iyon ang buhay na nais niya.


Kwento pa ni Pangulo Marcos, hindi natuwa ang kanyang mga magulang nang malaman nilang ayaw niya noon pumasok sa pulitika, lalo na’t siya ang nag-iisang anak na lalaki.


Ngunit sa kabila ng kanyang personal na ayaw, napasok pa rin siya sa politika bilang vice governor ng Ilocos Norte noong 1980, sa panahon ng martial law. Ang pag-amin ni Pangulong Marcos ay nagbigay-linaw na hindi palaging ambisyon ang nagtutulak sa isang politiko minsan, ito ay responsibilidad, pangalan, at bigat ng pinanggalingan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento