Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tanging hiling niya para sa susunod na magiging Pangulo sa 2028: ipagpatuloy ang mga mabubuting programa at nasimulan ng kanyang administrasyon. Ayon sa Pangulo, hindi niya sinasabing siya ang may pinakamagaling na pamumuno, ngunit naniniwala siyang marami sa kanyang mga proyekto at reporma ay nagbubunga na at mas lalong pakikinabangan ng bansa kung hindi ito mapuputol.
“Isa lang ang hiling ko sa susunod na presidente: ipagpatuloy ang mabubuting nasimulan at ang mga programang napatunayang epektibo. Sayang ang anim na taon kung hindi itutuloy, at mas sayang ang pagkakataon para makatulong sa mas maraming Pilipino.” -President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aminado ang Pangulon na anim na taon ay hindi sapat upang matapos ang lahat ng plano at programang inilatag niya para sa Pilipinas. Kaya kung ang susunod na lider ay magpapatuloy ng mga nasimulan niya mula sa imprastraktura, digital transformation, food security, modernisasyon ng AFP at PNP, hanggang sa anti-corruption efforts mas marami pang Pilipino ang makikinabang at mas mabilis aangat ang bansa.
Malinaw ang mensahe ng Pangulo: hindi ito tungkol sa kanya, kundi sa direksyon ng bansa. Kung ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga proyektong nagsisimula nang magbunga, mas mabilis na mararating ng Pilipinas ang inaasam na pag-unlad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento