Advertisement

Responsive Advertisement

"SA DIREKTIBA NG PANGULO MALINAW ANG DIREKSYON AT MABILIS ANG RESULTA" PNP IPINAGMALAKI ANG PATULOY NA PAGBABA NG CRIME RATE SA ILALIM NG MARCOS ADMINISTRATION

Biyernes, Disyembre 12, 2025

 



Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na patuloy na bumababa ang crime rate sa buong bansa mula nang maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa ulat, malaki ang ibinaba ng focus crimes kabilang ang murder, rape, robbery, at iba pang seryosong krimen na umabot sa 12.86% na pagbaba nitong huling bahagi ng taon.


Sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malinaw ang direksyon at mabilis ang resulta. Ramdam namin sa PNP ang suporta ng administrasyon mula sa modernisasyon ng kagamitan hanggang sa mas pinalakas na operasyon sa buong bansa." -Brig. Gen. Jean Fajardo


Ipinagmalaki ng PNP na ang pagbaba ng krimen ay hindi aksidente kundi bunga ng pinaigting na police visibility, mas maayos na koordinasyon ng mga law enforcement units, at direktang suporta mula sa administrasyon. Para sa kanila, malinaw na epektibo ang kasalukuyang pamumuno dahil nakikita ang resulta sa kalsada at sa seguridad ng mamamayan.


Ipinunto rin ng PNP na mas nagkakaroon ngayon ng tiwala ang publiko na magsumbong ng insidente, dahil mas mabilis ang aksyon ng pulisya at mas mahigpit ang kampanya laban sa kriminalidad. Dagdag pa nila, isa ito sa mga priyoridad ng Pangulo ang siguraduhing ligtas ang bawat Pilipino, saan mang bahagi ng bansa.


Ang pagbaba ng crime rate ay malinaw na indikasyon na gumagana ang mga polisiya at programa ng kasalukuyang administrasyon pagdating sa seguridad. Para sa PNP, hindi lang ito numero, ito ay patunay na nagiging mas ligtas ang pamumuhay ng mga Pilipino

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento