Advertisement

Responsive Advertisement

"TAHIMIK KAYO NGAYON KUNG TUNAY KAYONG LABAN SA KORAPSYON, MAGSALITA KAYO" SEN. BATO DELA ROSA BINANATAN ANG MGA PINKLAWANS AT KOMUNISTA

Sabado, Nobyembre 15, 2025

 



Matapos ang sunod-sunod na rebelasyon ni dating Congressman Zaldy Co hinggil sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion scandal, nagsalita na rin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at binanatan ang mga Pinklawans at grupong komunista sa kanilang umano’y katahimikan sa isyu.


Sa isang pahayag na ibinahagi ng senador sa kanyang opisyal na social media account, kinuwestiyon niya ang pananahimik ng mga pro-Leni at oposisyon, na ayon sa kanya ay tila naghihintay lamang ng tamang tiyempo upang samantalahin ang sitwasyon sakaling tuluyang bumagsak ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


“Tahimik ang Pinklawans & Komunista sa expose ni Zaldy Co. Strategize muna sila how to appear righteous & anti-corruption kuno at the same time prevent the downfall of this gov’t from which they benefited a lot,” -Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa


Ayon kay Dela Rosa, hindi dapat pumili ng panig kapag usapin ng korapsyon.


Giit niya, kung tunay na makabayan at makatarungan ang layunin ng mga grupong ito, dapat ay pareho rin silang mag-ingay laban sa katiwalian, kahit sino pa ang sangkot.


Dagdag pa ng senador, “obvious” umano ang katahimikan ng ilang personalidad sa oposisyon, at tila may halong pulitika ang kanilang mga kilos. Ang matapang na pahayag ni Senador Bato Dela Rosa ay nagbigay ng panibagong kulay sa kasalukuyang pulitikal na ingay sa bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento