Advertisement

Responsive Advertisement

"BAWAT SENTIMO NIYAN DUGO AT PAWIS NAMIN, NONE OF THAT MONEY WAS EVER YOURS" VICE GANDA MATAPANG NA PINAALALAHANAN ANG MARCOS ADMINISTRATION SA PASABOG NI ZALDY CO

Sabado, Nobyembre 15, 2025

 



Matapos ang matinding rebelasyon ni dating congressman Zaldy Co hinggil sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion scandal na kinasasangkutan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsalita na rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, na hindi napigilan ang galit at pagkadismaya sa lumalalang isyu ng korapsyon sa bansa.


Sa isang emosyonal na post, diretsahang pinaalalahanan ni Vice Ganda ang mga nasa gobyerno na ang perang ginagamit nila ay pera ng taumbayan, hindi sa kanila.


“Bawat sentimo niyan dugo at pawis namin, none of that money was ever yours.”- Vice Ganda


Ayon sa mga netizens, ang pahayag ni Vice ay isang patutsada sa kasalukuyang administrasyon matapos kumalat ang video ni Zaldy Co na nagsasabing ang malaking bahagi ng pondo ng bayan ay napupunta sa bulsa ng mga makapangyarihang opisyal.


Sinabi ni Vice na hindi na siya mananahimik dahil sawa na ang taong bayan sa paulit-ulit na pangloloko. Ayon pa sa komedyante, ang pera ng gobyerno ay dapat napupunta sa serbisyong pampubliko, hindi sa mga “nasa itaas” na tila ginagawang negosyo ang bansa.


Sa panahon kung saan takot ang marami na magsalita laban sa katiwalian, ipinakita ni Vice Ganda na ang katotohanan ay hindi dapat pinipigilan. Ang kanyang matapang na mensahe ay sumasalamin sa damdamin ng karaniwang Pilipino na sawa na sa paulit-ulit na pang-aabuso at kawalan ng hustisya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento