Sumali na rin ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis sa mga personalidad na nagpahayag ng pagkadismaya sa gobyerno, kasunod ng mga lumalabas na isyu ng korapsyon at maling paggamit ng pondo ng bayan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang post na nag-viral sa social media, emosyonal na ibinahagi ni Anne ang kanyang saloobin, na tumama sa damdamin ng maraming Pilipino:
“ANO NA? ‘YUNG MGA NASA GOBYERNO, BAKA NAMAN MAY AWA PA KAYO? KAWAWA ‘YUNG MGA BATA"— Anne Curtis
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Anne tungkol sa mga isyung panlipunan. Ngunit ngayon, ramdam ang galit at pagkadismaya sa kanyang tono.
Ayon sa mga netizens, tumutukoy si Anne sa mga ulat ng malaking anomalya sa pondo ng gobyerno, partikular sa mga proyekto na dapat sana’y para sa mga bata at mahihirap na pamilya.
Bumuhos ang suporta ng mga fans at netizens para kay Anne Curtis matapos ang kanyang pahayag. Marami ang nagpahayag ng papuri sa kanyang katapangan at malasakit sa mga bata. May ilan ding pro-Marcos supporters ang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi, ngunit karamihan ay sumang-ayon sa sentimyento ni Anne na panahon nang managot ang mga tiwali sa gobyerno.
Ang pahayag ni Anne Curtis ay nagbigay boses sa hinaing ng maraming Pilipino, lalo na sa mga patuloy na naapektuhan ng katiwalian sa gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento