Ibinunyag ni Senate President Tito Sotto III na siya at si Senador Panfilo “Ping” Lacson ay may personal na kasunduan na hindi na sasabak sa anumang halalan pagdating ng taong 2031.
Ayon kay Sotto, napagkasunduan nilang dalawa na panahon na upang mamahinga at maglaan ng oras sa pribadong buhay matapos ang dekada-dekadang paglilingkod sa bansa.
“Kahit puwede pa akong tumakbo sa 2031, nagkausap na kami ni Senator Lacson sa edad namin pagdating ng panahong ’yon, mas pipiliin na naming magpahinga at magretiro” - Tito Sotto
Sa edad na 83 pagsapit ng 2031, sinabi ni Sotto na nais na niyang tahakin ang tahimik na yugto ng kanyang buhay. Aniya, hindi na niya hangad ang kapangyarihan o posisyon, kundi kapayapaan at oras para sa pamilya. Mula sa kanilang matagal na partnership sa Senado hanggang sa kanilang pagtakbo noong 2022 elections, nananatiling matatag ang pagkakaibigan nina Sotto at Lacson.
Sinabi ni Sotto na bago tuluyang magretiro, tututukan pa rin niya ang mga repormang nasimulan sa Senado, kabilang ang mga adbokasiya sa edukasyon, kultura, at good governance. Ang desisyon nina Senate President Tito Sotto III at Sen. Ping Lacson na magretiro pagdating ng 2031 ay simbolo ng marangal na pagtatapos ng paglilingkod sa bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento