Mariing sinagot ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla matapos nitong iugnay ang mga kilos-protesta at mga kritisismo laban sa pamahalaan sa “sedition” o panunulsol laban sa gobyerno.
Ayon kay Pulong, tila nakakalimot si Remulla sa kalayaang nakasaad sa Saligang Batas partikular sa karapatan sa malayang pananalita, pagpapahayag, at mapayapang pagtitipon.
“Relax Mr. Remulla, hindi lahat ng batikos ay banta, bawal na ba maglabas ng sama ng loob?” - Cong. Pulong Duterte
Dagdag pa niya, hindi dapat takutin ang mga mamamayan na gustong magpahayag ng saloobin laban sa katiwalian at kapabayaan ng gobyerno.
Sa kanyang pahayag, ibinunyag ni Pulong ang pagkadismaya sa tila labis na pagiging sensitibo ng ilang opisyal sa kritisismo. Anya, ang tunay na demokrasya ay umiiral kapag pinapakinggan ang hinaing ng mamamayan, hindi kapag pinapatahimik sila. Dagdag niya, ang paghingi ng accountability sa pamahalaan ay hindi kailanman krimen, kundi isang karapatan ng bawat Pilipino.
Ipinaalala ni Pulong Duterte sa mga opisyal ng administrasyon na ang karapatan sa malayang pananalita at mapayapang pagtitipon ay nakasaad mismo sa Konstitusyon.
Ito umano ay pundasyon ng demokrasya na hindi maaaring alisin o limitahan dahil lamang sa takot sa puna.
Ang matapang na tugon ni Rep. Pulong Duterte ay paalala sa mga opisyal ng pamahalaan na ang kritisismo ay hindi kalaban ng gobyerno kundi bahagi ng demokrasya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento