Matapang na sinagot ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa isyu ng ₱100 bilyong budget insertion na kasalukuyang iniimbestigahan ng pamahalaan.
Ayon kay Duterte, hindi dapat magpanggap ang Pangulo na inosente, dahil may pananagutan din ito bilang lumagda sa General Appropriations Act (GAA).
“Pwede niya ikulong ang sarili niya bago mag pasko, kasi siya mismo ang pumirma sa GAA. Aminin na niya meron talaga siyang pagkukulang, at hindi ito maliit na pagkukulang.” -VP Sara Duterte
Giit ng Pangalawang Pangulo, ang pirma ni Marcos sa GAA ay malinaw na indikasyon ng kanyang pag-apruba sa nilalaman nito. Kahit pa sabihing hindi siya direktang sangkot sa insertion, aniya, bilang Pangulo, tungkulin niyang suriin at tiyaking tama ang bawat probisyon bago ito lagdaan.
Dagdag pa ni Duterte, ang accountability ay dapat pantay para sa lahat kahit pa sa Pangulo mismo. Aniya, hindi tama na ang mga opisyal na nasa ibaba lamang ang parusahan, samantalang ang pinakamataas na lider ay ligtas sa pananagutan.
Sa gitna ng lumalalang bangayan sa pagitan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, lalong umiinit ang tensyon sa politika. Ang pahayag ni VP Sara ay tila hamon sa katapatan ng liderato ni Marcos, na aniya’y dapat ding humarap sa responsibilidad at aminin ang mga pagkukulang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento