"Kung alam nilang wala si Co, bakit pa nila nilusob? Para lang bang may palabas? Publiko kinuwestiyon angNabigo ang Taguig City Police na ihain ang warrant of arrest laban kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co matapos nilang lusubin ang kanyang condominium unit sa Bonifacio Global City (BGC) nitong Sabado, Nobyembre 22. Bandang alas-11 ng umaga, nagtungo ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Taguig Police sa gusali upang ipatupad ang utos ng korte, ngunit kinumpirma ng duty manager at security manager na wala si Co sa lugar.
Ayon sa ulat, tila alam na ng pulisya na hindi na roon naninirahan ang dating kongresista, ngunit itinuloy pa rin ang operasyon, dahilan upang magdulot ito ng mga tanong sa publiko kung sadyang “for the show” lamang ang paglusob. raid sa lugar ni Zaldy Co sa BGC
May mga nagkomento sa social media at ilang political analysts na tila palabas lamang ang operasyon upang maipakitang kumikilos ang mga awtoridad.
Ayon sa isang insider ng SPD na tumangging magpakilala, “matagal nang alam” ng ilang opisyal na hindi na sa BGC nakatira si Co.
“Hindi ko alam bakit pinilit pa nilang puntahan ang condo kung alam namang wala doon si Zaldy Co. Para bang may gustong patunayan o ipakita sa publiko na gumagalaw sila, kahit alam nilang walang mangyayari.” -political analysts
Bagama’t malinaw na hindi matagumpay ang unang operasyon ng pulisya laban kay Zaldy Co, nananatiling tanong ng publiko kung maaaring may bahid ng pagpapakitang-tao ang aksyon ng mga awtoridad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento