Muling nilinaw ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang mga paratang na tila dinedepensahan niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng administrasyon. Ayon sa senador, wala siyang intensyong ipagtanggol ang Pangulo, bagkus ay nauunawaan lamang niya ang kalagayan nito bilang isang mabuting tao na nababalot ng maling impluwensya.
“Hindi ko siya dinedepensahan, pero bilang matagal na rin sa serbisyo publiko, nakikita ko ang sarili ko sa kanya mabait, tapat, pero madalas naaabuso ng mga taong pinagkakatiwalaan.” - Sen. Ping Lacson
Dagdag ni Lacson, may pagkakapareho sila ni Pangulong Marcos sa karanasan sa pamahalaan, partikular sa kanilang pagsisikap na itaguyod ang disiplina at katapatan, kahit na madalas silang maliin ng iba. Aniya, naiintindihan niya ang bigat ng liderato, lalo na kung maraming nakapaligid na may ibang motibo.
Binigyang-diin ng senador na hindi pa huli para kay Pangulong Marcos na ayusin ang kanyang paligid. Aniya, kung nais nitong magtagumpay, dapat nitong linisin ang hanay ng mga taong nagpapanggap na kakampi ngunit may sariling agenda.
Sa kanyang pahayag, muling ipinakita ni Sen. Ping Lacson ang pagiging tapat at prangkang lider na hindi basta kumakampi kundi nagsasabi ng totoo.
Para sa kanya, si Pangulong Bongbong Marcos ay may mabuting puso ngunit kailangang magising sa katotohanan na hindi lahat ng nasa tabi niya ay tapat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento