Sa isang matapang na pahayag, Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ay tahasang bumatikos kay Vice President Sara Duterte, matapos lumutang ang mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagtakbo nito sa pagkapangulo sa 2028. Ayon kay De Lima, wala umanong karapatan si Duterte na mamuno sa bansa dahil sa mga “kasakiman at korapsyon” na naganap umano noong panahon ng administrasyon ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Hindi ko malilimutan ang mga kasakiman at pang-aabuso ng mga Duterte noong nasa kapangyarihan sila. Kung siya ang magiging pangulo, kawawa ang Pilipinas babalik tayo sa karahasan, takot, at impluwensya ng China.” - Rep. Leila de Lima
Binatikos din ni De Lima ang naging relasyon ng dating administrasyon sa gobyerno ng China, na aniya’y nagbukas ng pinto sa panghihimasok at kontrol sa ilang sektor ng bansa. Giit niya, kung muling mauupo sa poder ang mga Duterte, maaaring bumalik ang parehong sitwasyon dagdag pang karahasan, at pagkawala ng soberanya ng Pilipinas.
Hindi rin pinalampas ni De Lima ang mga alegasyon ng malawakang korapsyon at katiwalian na umano’y nangyari noong termino ng mga Duterte. Sa kanyang matapang na pahayag, muling ipinakita ni Rep. Leila de Lima ang kanyang paninindigan laban sa pamilya Duterte, na aniya’y hindi na dapat muling mabigyan ng pagkakataong mamuno sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento