Advertisement

Responsive Advertisement

"MAY HANGGANG LUNES PA KAYO PARA SUMUKO BAGO NAMIN KAYO PAG-HUNTINGIN" DILG JONVIC REMULLA NAGBIGAY NG DEADLINE KAY ZALDY CO AT 17 KASAMAHAN

Sabado, Nobyembre 22, 2025

 



Binigyan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ng hanggang Lunes si dating Ako-Bicol party-list Rep. Zaldy Co at 17 iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corp. upang kusang sumuko sa mga awtoridad.


Ayon kay Remulla, inaasahang lalabas ngayong weekend ang opisyal na kopya ng mga warrant of arrest, at kaagad silang magpapalabas ng memorandum na nag-aatas sa mga akusado na magpakita sa pinakamalapit na tanggapan ng gobyerno.


“Bibigan namin sila hanggang Lunes na mag-surrender sa pinakamalapit na ahensya ng gobyerno at magpakita bago namin kayo pag-huntingin” - DILG Sec. Jonvic Remulla


Mariin ding binalaan ni Remulla ang mga sangkot na ituturing silang mga fugitive of justice kung hindi sila susuko bago matapos ang itinakdang araw. Ayon sa kalihim, handa siyang ipatupad ang bigat ng batas at hindi mangingiming gumamit ng pwersa kung kinakailangan.


Ang utos ng pagsuko ay kaugnay ng arrest warrant laban kay Zaldy Co at iba pang opisyal na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, na kasalukuyang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure (ICI). Kabilang sa mga akusado ang ilang opisyal ng DPWH at pribadong kontraktor mula sa Sunwest Corp.


Sinabi ni Remulla na nakaposisyon na ang mga hunter teams ng DILG at PNP, at handang ikilos ang search-and-arrest operations sa sandaling lumagpas sa deadline ang mga akusado.


Sa utos ni Secretary Jonvic Remulla, malinaw na seryoso ang pamahalaan sa paghuli kay Zaldy Co at sa mga kasabwat nito sa kontrobersyal na flood control projects.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento