Matapos ang paglabas ng arrest warrant laban kay dating Congressman Zaldy Co at iba pang sangkot sa umano’y katiwalian sa flood control projects, naglabas ng matatag na pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya mismo ang isyung siya ang nagsimula.
Sa kanyang mensahe sa publiko, iginiit ni Marcos na ang laban kontra korapsyon ay hindi isang palabas, kundi isang seryosong kampanya para linisin ang gobyerno.
“Ako ang nagsimula nitong lahat, ako ang magtatapos. Ang paglilinis na ito ay hindi para sa akin, kundi para sa taumbayan na matagal nang naghihintay ng katarungan. -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang imbestigasyon sa flood control projects ay nagsimula matapos makuha ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga ebidensiyang nagpapakita ng anomalya sa paggamit ng pondo. Dito, lumabas ang mga pangalan nina Zaldy Co at ilang opisyal ng DPWH na umano’y sangkot sa malawakang “ghost projects” at overpricing.
Matapos ito, agad na inatasan ni Pangulong Marcos ang Office of the Ombudsman na ipagpatuloy ang mas malalim na imbestigasyon at panagutin ang mga responsable. Sa gitna ng tensyon, nagpasalamat ang Pangulo sa publiko sa patuloy na pagtitiwala at pagpapasensya habang umuusad ang imbestigasyon.
Muling ipinakita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang paninindigan laban sa katiwalian matapos lumabas ang mga arrest warrant laban sa mga pangunahing personalidad sa flood control scandal.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento