Nanawagan si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa publiko na ituon ang galit sa mga tunay na may sala sa halip na sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gitna ng isyu ng flood control corruption scandal. Sa isang pahayag sa media, iginiit ni Castro na hindi patas ang batikos na ibinabato laban sa Pangulo, lalo’t siya mismo ang nag-utos na imbestigahan ang isyu.
“Kung galit kayo sa korapsyon, dapat doon sa gumawa, hindi sa naglilinis. Si Pangulong Marcos ang nagbukas ng imbestigasyon, hindi siya ang dapat sisihin.” - Atty. Claire Castro
Ayon kay Castro, malinaw na ang kampanya laban sa katiwalian ay inisyatibo mismo ng administrasyon. Aniya, kung hindi kumilos si Marcos upang buksan ang flood control investigation, hindi malalantad ang pangalan ni Zaldy Co at iba pang sangkot.
Dagdag pa ni Castro, dapat kilalanin ng publiko ang katapangan ng Pangulo sa pagharap sa isyu, kahit pa ito ay may implikasyon sa mga dating kaalyado o opisyal ng gobyerno.
Sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa flood control corruption scandal, nanawagan si Atty. Claire Castro sa mga Pilipino na maging patas at makatuwiran sa paghusga. Aniya, dapat ang galit ng bayan ay ituon sa mga tunay na may kasalanan, hindi sa lider na nagsusumikap linisin ang pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento