Isang bagong usapin sa larangan ng politika ang muling umingay matapos ipahayag ni dating Davao del Norte Governor Anthony del Rosario na nakikita niya si Senator Rodante Marcoleta bilang pinakaangkop na maging running mate ni Vice President Sara Duterte sakaling tumakbo ito sa 2028 presidential elections.
Sa panayam ni Del Rosario sa programang “The Spokes” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi niya na si Marcoleta ang unang pumasok sa isip niya nang tanungin kung sino ang pinakamainam na makakatambal ng Bise Presidente.
“The first person that I said was Marcoleta,” ani Del Rosario. “He’s strong, principled, and would complement VP Sara’s leadership style.”
Ayon kay Del Rosario, bagaman hindi niya personal na kakilala ang senador, naniniwala siyang si Marcoleta ay may kakayahan at karakter na makakatugma sa istilo ng pamumuno ni VP Sara. Aniya, pareho silang matatag, diretso, at may disiplina pagdating sa paninindigan sa mga isyung pambansa.
Paliwanag ni Del Rosario, ang “no-nonsense” na pamumuno ni VP Sara ay nangangailangan ng katambal na may parehong tapang at dedikasyon sa serbisyo publiko. Dagdag pa niya, kung sakaling matuloy ang kanilang tandem, ito raw ay magiging malakas na kombinasyon na maaaring makakuha ng suporta mula sa parehong pro-Duterte at pro-Marcos na sektor.
Sa pahayag ni Anthony del Rosario, lumalakas ang posibilidad ng Sara Duterte–Rodante Marcoleta tandem sa 2028, isang tambalang maaaring magdala ng bagong dinamika sa politika ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento