Naglabas ng opisyal na pahayag si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos irekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sampahan siya ng kasong plunder, graft, at indirect bribery kaugnay ng umano’y katiwalian sa mga flood control projects ng pamahalaan.
Sa kanyang pahayag, tiniyak ni Romualdez na malinis ang kanyang konsensya at wala siyang tinatago. Ayon sa kanya, kusang-loob siyang humarap sa imbestigasyon, nanatili sa bansa, at nakipagtulungan sa lahat ng proseso.
“I willingly submitted myself to the ICI’s fact-finding process, appeared voluntarily, and remained in the country. Throughout all these proceedings, no sworn or credible evidence has ever linked me to any irregularity, and again, my conscience remains clear.” - Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez
Dagdag pa ni Romualdez, buo ang kanyang tiwala sa Office of the Ombudsman sa patas at maayos na pagbusisi sa mga isyung ibinabato laban sa kanya. Aniya, handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon at umaasa siyang lalabas ang katotohanan sa pormal na pagdinig.
Binigyang-diin ni Romualdez na mula pa sa simula ay nakipagtulungan na siya sa mga awtoridad, bilang patunay ng kanyang malinis na hangarin at paggalang sa proseso ng hustisya. Ayon sa kanya, wala siyang tinatago at naniniwala siyang magtatagumpay ang katotohanan laban sa mga haka-haka.
Sa kabila ng mabibigat na paratang, nananatiling matatag at determinado si Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez na linisin ang kanyang pangalan at ipaglaban ang katotohanan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento