Advertisement

Responsive Advertisement

“ALAM MO NA PALANG ADIK, BAKIT MO INENDORSO? KASABWAT KA KARIN” KA LEODY DE GUZMAN BINANATAN SI SEN. IMEE MARCOS

Biyernes, Nobyembre 21, 2025

 



Hindi napigilan ni labor leader Ka Leody de Guzman na ilabas ang kanyang pagkadismaya matapos ang pahayag ni Senadora Imee Marcos na diumano’y nalulong sa droga ang kanyang kapatid, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Ka Leody, kung totoo ang mga sinasabi ni Sen. Imee, bakit inendorso pa niya ang kanyang kapatid sa pagtakbo sa pagka-pangulo noong halalan 2022.


“Ogag din ‘tong si Imee. Alam mo na palang adik mula pagkabata eh, bakit mo inendorso? Kasabwat ka rin,” - Ka Leody de Guzman


Pinuna ni Ka Leody ang tila kakulangan ng konsistensiya ni Sen. Imee sa kanyang mga pahayag. Aniya, kung tunay ang pagkabahala ni Imee sa sinasabing bisyo ng kanyang kapatid, bakit ngayon lamang niya ito inilabas sa publiko, sa halip na noon pa man ay nagsalita na siya upang maiwasan ang pagkakahalal ni BBM bilang pangulo.


Dagdag pa ni Ka Leody, isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nagdurusa ang Pilipinas ay ang kawalan ng katapatan ng mga politiko sa isa’t isa at sa taumbayan. Hindi rin pinalampas ni Ka Leody ang pananahimik ng ibang opisyal ng gobyerno sa gitna ng iskandalo.


Ang matapang na pahayag ni Ka Leody de Guzman ay nagpapakita ng kanyang paninindigan laban sa pamumulitika at kawalan ng integridad sa loob ng mga pampulitikang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento