Sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa politika at panawagang “BBM Resign,” muling nagsalita si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, na nanawagan sa mga Pilipino na ituon ang lakas sa pagbabalik ng isang matapat at maaasahang lider, si dating Vice President Leni Robredo. Ayon kay Pangilinan, higit na mahalagang magbuo ng alternatibong pamumuno kaysa sa simpleng pagpapatalsik ng kasalukuyang administrasyon.
“Mas gugustuhin ko na ang panawagan na kumbinsihin natin lahat si Leni na magbago ng isip, tumakbo muli bilang Pangulo sa susunod na halalan,” -Kiko Pangilinan
Binigyang-diin ni Sen. Kiko na sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon, flood control anomalies, at political division, kailangan ng Pilipinas ang lider na may napatunayan nang integridad. Anya, si Robredo pa rin ang simbolo ng katapatan at malasakit sa gitna ng gulo sa pamahalaan.
Nanawagan din ang senador na palakasin ng publiko ang paninindigan laban sa katiwalian at ipagpatuloy ang paghingi ng pananagutan sa mga nasa kapangyarihan.
Sa mensaheng puno ng pag-asa, binigyang-diin ni Sen. Kiko Pangilinan na ang laban ng bayan ay hindi lang tungkol sa pagpapatalsik ng isang pangulo, kundi sa pagbangon ng bansa mula sa kawalang-tiwala at korapsyon.
Para sa kanya, si Leni Robredo ang nananatiling pinakamalinaw na simbolo ng tapat at makataong pamumuno, at panahon na umano upang mulagain siyang tumakbo para muling pagkaisahin ang sambayanan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento