Advertisement

Responsive Advertisement

"NAPAGKAMALAN AKONG BABAE" FHUKERAT IPINALIWANAG ANG TUNAY NA DAHILAN NG PAGKADENY SA DUBAI IMMIGRATION

Sabado, Nobyembre 22, 2025

 



Fhukerat nagbahagi ng kanyang karanasan matapos hindi siya payagang makapasok sa Dubai. Ayon sa kanya, hindi dahil sa kanyang pananamit, makeup, o pagiging expressive sa public, kundi dahil sa identity mismatch sa kanyang passport. Sa isang social media post, malinaw niyang sinabi na hindi isyu ang gender expression niya, kundi ang pagkakaiba ng itsura niya bilang babae kumpara sa passport na nagsasaad na siya ay lalaki.


“Napagkamalan akong babae, yung reason bakit hindi ako nakapasok ng Dubai, hindi sa pananamit ko, hindi sa makeup ko, at hindi sa pag-iingay ko. Ang sabi sa akin ng officer, ‘It’s because your identity does not match your passport,’” -Fhukerat


Dagdag pa ni Fhukerat, hindi raw siya nakaranas ng diskriminasyon mula sa immigration officers. Maayos umano ang pakikitungo sa kanya, ngunit pinairal lamang ng mga ito ang immigration protocols na tumitingin sa consistency ng gender at facial identity ng mga pasahero.


Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at simpatya kay Fhukerat. Ayon sa ilang komento, panahon na umano upang baguhin at gawing mas inclusive ang mga travel and immigration policies, lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.


Ang karanasan ni Fhukerat ay nagsisilbing paalala sa mga biyahero, lalo na sa mga LGBTQ+ travelers, na maging maingat sa kanilang mga dokumento bago bumiyahe abroad. Bagama’t malinaw na hindi diskriminasyon ang dahilan ng insidente, ipinapakita nito na may kakulangan pa rin sa pag-unawa at pag-angkop ng mga sistema sa mga taong may gender identity na naiiba sa nakasaad sa kanilang legal documents.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento