Isang magandang balita ang lumabas mula sa End of the Year Survey kung saan ipinakita ang malaking pagtaas ng tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM). Ayon sa resulta, umakyat sa 61% ang overall performance rating ng administrasyon mula sa 53% noong ikatlong quarter ng taon isang malinaw na indikasyon ng pagbangon ng tiwala ng mamamayan sa gobyerno.
“Ang tiwalang ito ay hindi regalo, ito ay bunga ng trabaho. Ito ang simula ng pagbabalik ng tiwala ng publiko" - Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng satisfaction rating ay ang mabilis na aksyon ng administrasyon sa mga kaso ng katiwalian, partikular na ang paglabas ng arrest warrants laban sa mga tiwaling opisyal na nasangkot sa flood control anomaly. Ayon sa Malacañang, ang agarang pagpapatupad ng batas ay patunay na seryoso ang Pangulo sa kanyang kampanya kontra korapsyon.
Ayon sa mga political analysts, ang malawakang suporta sa mga rehiyon ay nagpapakita ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa likod ng liderato ni Marcos, na nakikita nilang determinadong ayusin ang sistema ng gobyerno. Maraming mamamayan ang nagpahayag ng pagbabalik ng pag-asa at kumpiyansa sa gobyerno matapos makita ang mga konkretong hakbang ng administrasyon laban sa katiwalian.
Ang resulta ng End of the Year Survey ay patunay na ang tiwala ng taumbayan ay muling bumabalik dahil sa mabilis, matapang, at tapat na pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento