Mariing itinanggi ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga akusasyon ni dating Ako Bicol Representative Elizaldy “Zaldy” Co kaugnay ng umano’y ₱100 bilyong budget insertion scandal sa 2025 national budget. Ayon kay Romualdez, malinis ang kanyang konsensya at wala siyang kinalaman sa anumang katiwalian na ibinibintang sa kanya.
“My conscience remains clear. Throughout this inquiry, no public official, contractor, or witness has pointed to any wrongdoing on my part,I trust ICI, DOJ and Ombudsman to their job”- Former House Speaker Martin Romualdez
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Romualdez na kumpiyansa siya na ang Independent Commission on Infrastructure (ICI), Department of Justice (DOJ), at Office of the Ombudsman ay magsasagawa ng patas at masusing imbestigasyon batay sa ebidensya at hindi sa haka-haka o tsismis.
Binigyang-diin ng mambabatas mula Leyte na hanggang ngayon ay walang anumang dokumento o testigo na direktang nag-uugnay sa kanya sa kontrobersyal na flood control fund anomaly. Aniya, pawang mga walang basehang paratang lamang ang mga inilabas ni Zaldy Co sa publiko.
Sa kabila ng mga mabibigat na paratang laban sa kanya, matatag na itinanggi ni Martin Romualdez ang anumang pagkakasangkot sa sinasabing ₱100 bilyong budget insertion anomaly. Ipinahayag niyang handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon upang ipakita ang kanyang kawalang-sala.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento