Advertisement

Responsive Advertisement

"HUWAG TAYONG LUMUHOD SA BANYAGA" JIMMY BONDOC MATAPANG NA NAGPAALALA NA MERON TAYONG SALIRING BATAS, UMAPELA LABAN SA PANGHIHIMASOK NG MGA DAYUHAN

Linggo, Nobyembre 9, 2025

 



Sa gitna ng paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, muling nagpahayag ng kanyang paninindigan ang singer-songwriter at dating opisyal ng PAGCOR na si Jimmy Bondoc, na nanawagan sa mga Pilipino na ipaglaban ang kasarinlan ng bansa at huwag hayaang yurakan ng mga banyagang institusyon ang ating hustisya.


Ayon kay Bondoc, ang pakikialam ng ICC ay hindi lamang usapin ng pulitika kundi isang direktang insulto sa ating Konstitusyon at sa dangal ng mga Pilipino.


“Mga kapwa Pilipino, magising na po tayo. Wag tayo pumayag na yurakan ang dangal at kasarinlan ng ating bayan at ng ating sariling Hudikatura. Isang nakaupong Senador na milyon-milyon ang nagpaupo papayagan ba nating ulitin ng ICC ang paglalapastangan nila sa ating kasarinlan? Anumang kulay, wag po tayo lumuhod sa banyaga,” -Jimmy Bondoc.


Binigyang-diin ni Bondoc na ang bawat mamamayan ay dapat may malasakit sa soberanya ng bansa. Aniya, hindi dapat umasa ang Pilipinas sa mga banyagang hukuman o organisasyon pagdating sa mga usaping may kinalaman sa pambansang batas.


“Kung patuloy tayong aasa sa mga banyaga para sa hustisya, kailan pa tayo matututo bilang isang bansa? May kakayahan tayong pairalin ang batas at hustisya nang hindi nangangailangan ng panghihimasok mula sa labas” dagdag nito.


Kung tunay na may pagkakasala ang sinumang opisyal, ang korte ng Pilipinas mismo ang dapat magpasya at hindi ang mga banyagang hukuman na hindi lubos na nakakaunawa sa konteksto ng ating bansa.

Ang panawagan ni Bondoc ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.


Ang ilan ay sumuporta sa kanyang paninindigan, sinasabing tama lang na protektahan ang ating hudikatura laban sa banyagang panghihimasok, samantalang may iba rin na naniniwalang ang ICC ay paraan upang makamit ang hustisya para sa mga biktima ng karahasan sa ilalim ng nakaraang administrasyon.


Ang paninindigan ni Jimmy Bondoc ay paalala sa lahat ng Pilipino na higit sa lahat ng kulay at politika, ang kasarinlan ng bansa ang dapat pairalin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento