Advertisement

Responsive Advertisement

BAGYONG UWAN, ITINAAS SA SUPER TYPHOON CATEGORY; SIGNAL NO. 5, IPINATUPAD SA ILANG BAHAGI NG PILIPINAS

Linggo, Nobyembre 9, 2025

 



Opisyal na itong itinaas ng PAGASA sa kategoryang Super Typhoon si Bayong Uwan nitong Linggo ng umaga matapos umabot sa 185 km/h ang lakas ng hangin at 230 km/h ang bugso.


Ayon sa ulat ng ahensya, huling namataan ang sentro ng bagyo 125 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes, at kumikilos patungong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.


Dahil dito, Signal No. 5 ang pinakamataas na babala na itinaas sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, kasunod ng patuloy na pagtaas ng lakas ng ulan at hangin. Pinayuhan ang mga residente na agad lumikas sa mga delikadong lugar tulad ng mga tabing-dagat, mabababang lugar, at bulubunduking may banta ng landslide.


Mga Lugar na Apektado

Signal No. 3

Luzon: Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region

Visayas: Northern Samar, Northern at Eastern Samar, ilang bahagi ng Samar

Signal No. 2

Luzon: Natitirang bahagi ng Cagayan, Apayao, Mindoro, at Romblon

Visayas: Leyte, Biliran

Signal No. 1

Luzon: Batanes, Calamian at Cuyo Islands

Visayas: Bohol, Negros Occidental, Capiz, Aklan, Antique


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng mag-landfall si Super Typhoon Uwan sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.


Binabalaan din ng ahensya ang mga residente sa Luzon at Visayas na maghanda sa malalakas na hangin, pagbaha, at posibleng storm surge na aabot sa higit 3 metro ang taas sa mga baybaying lugar.


“Malawak ang diameter ni Uwan, halos kasing laki na ng buong mapa ng Pilipinas. Huwag po tayong maging kampante dahil kahit hindi diretsong tatama ang mata ng bagyo, makakaranas pa rin ng matinding ulan at hangin ang malaking bahagi ng bansa,” Ayon kay PAGASA

Si Super Typhoon Uwan ay isa sa pinakamalalakas na bagyong tumama sa bansa sa mga nakalipas na taon. Habang papalapit ito sa kalupaan, ang pagiging handa, disiplinado, at maagap ng mga mamamayan ang magiging susi sa pag-iwas sa mas malaking trahedya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento