Sa gitna ng patuloy na kontrobersiya tungkol sa umano’y ₱100 bilyong budget insertion sa Bicameral Conference Committee (Bicam), lumantad si Senador Panfilo “Ping” Lacson upang ipagtanggol si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Lacson, hindi dapat agad isisi sa Pangulo ang nasabing anomalya dahil malinaw umanong ginamit lamang ang kanyang pangalan upang makumbinsi si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na ipasok ang nasabing halaga sa Bicam.
“May mga tao sa Malacañang, hindi awtorisado ng Pangulo, na ginagamit ang pangalan niya para palabasing siya ang nag-utos. Ginamit nila ang pangalan ni President Marcos para paniwalain si Zaldy Co na ito’y direktang utos ng Pangulo.” -Sen. Ping Lacson.
Hindi nagpaligoy si Lacson at direktang pinangalanan si Undersecretary Adrian Bersamin bilang taong umano’y nagmisrepresent o gumamit sa pangalan ng Pangulo sa usapin ng budget insertion. Ayon sa senador, dapat ay imbestigahan at panagutin ang opisyal dahil ang ganitong gawain ay isang uri ng pambabastos sa opisina ng Pangulo at sa tiwala ng mamamayan.
“Kung may dapat man managot, ‘yun ay ang mga nagpapanggap na utusan ng Pangulo kahit wala naman siyang basbas. I will name that person Undersecretary Adrian Bersamin. Ginamit niya ang pangalan ng Pangulo para sabihing utos daw ni Marcos ang pagpasok ng ₱100 bilyon sa Bicam.”
Binigyang-diin ni Lacson na walang ebidensiyang direktang nag-uugnay kay Pangulong Marcos sa usapin ng budget insertion.
Aniya, batay sa kanyang impormasyon, ang Pangulo ay hindi nakialam sa mga detalye ng Bicam deliberations, at maaaring biktima rin ng manipulasyon ng ilang opisyal na nagtatago sa likod ng kanyang pangalan.
Sa gitna ng lumalaking kontrobersiya sa ₱100 bilyong budget insertion, nanindigan si Sen. Ping Lacson na dapat munang kilalanin kung sino ang tunay na utak ng anomalya bago husgahan ang Pangulo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento