Advertisement

Responsive Advertisement

“AYAW NATING MAULIT ANG NANGYARI KAY NINOY AQUINO” CONG. KIKO BARZAGA BALAK BIGYAN NG SEGURIDAD SI ZALDY CO SA PAG-UWI NG PINAS

Martes, Nobyembre 18, 2025

 



Nagpahayag ng pag-aalala si Dasmariñas Representative Elpidio “Kiko” Barzaga Jr. sa kaligtasan ng dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, matapos nitong ibunyag ang mga umano’y katiwalian sa ilalim ng administrasyong Marcos.


Ayon kay Barzaga, maaaring malagay sa panganib ang buhay ni Co kung sakaling bumalik siya sa bansa, lalo na matapos nitong banggitin ang ilang pangalan sa pamahalaan na sangkot umano sa malakihang budget insertion sa Bicam.


“Security must be increased. We don’t want to end up with a ‘Zaldy Co International Airport’ if Marcos Jr. has plans,”


Tinukoy ng mambabatas ang malagim na sinapit ni dating Senador Ninoy Aquino noong 1983, bilang babala sa posibleng panganib na maaaring kaharapin ni Co kung magtutuloy siya sa pagbabalik sa bansa.


Ang pahayag ni Barzaga ay kasunod ng mga panawagan ng ilang opisyal na bumalik sa Pilipinas si Zaldy Co upang personal na patunayan ang kanyang mga paratang laban sa ilang miyembro ng administrasyon. Ngunit ayon kay Barzaga, hindi dapat ipilit ang pagbabalik kung walang kasiguraduhan ang seguridad ni Co.


Ang pahayag ni Rep. Kiko Barzaga ay isang malinaw na paalala sa kasalukuyang pamahalaan: ang kaligtasan ng mga taong nagsasalita laban sa katiwalian ay dapat unahin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento