Isang matapang at kontrobersyal na pahayag ang binitiwan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, matapos nitong himukin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na boluntaryong bumaba sa puwesto upang maiwasan umano ang pag-uulit ng kasaysayang sinapit ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong People Power Revolution ng 1986.
Ayon kay Singson, patuloy na bumabagsak ang tiwala ng mamamayan sa kasalukuyang administrasyon dahil sa mga isyu ng korapsyon, anomalya, at kaguluhang pampulitika.
“Kung ako sa kanya, bababa na ako. Ayokong maulit ang nangyari sa tatay niya puwersahang pinaalis ng taumbayan. Pag di siya bumitaw, I am dead sure mapapatalsik siya katulad ng tatay niyang korap.” - Luis “Chavit” Singson
Binatikos din ni Singson ang paraan ng pamumuno ng kasalukuyang administrasyon, na aniya’y masyadong nakasentro sa kapangyarihan at kulang sa malasakit sa ordinaryong Pilipino. Giit niya, ang mga isyu sa flood control scandal, mga nawawalang pondo, at pagkakahati-hati ng gobyerno ay malinaw na palatandaan na nawawala na ang direksyon ng liderato.
Binalikan din ni Singson ang alaala ng People Power Revolution, kung saan napatalsik si dating Pangulong Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang pag-aaklas ng sambayanan. Ang matinding pahayag ni Chavit Singson laban kay Pangulong Marcos Jr. ay nagbukas ng panibagong diskurso sa politika ng bansa pagitan ng lohika ng kapangyarihan at kababaang-loob.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento