Hindi itinago ni Leila de Lima ang kanyang pagtutol sa naging desisyon ng Supreme Court of the Philippines na ibasura ang impeachment case laban kay Sara Duterte. Para kay De Lima, ang naturang ruling ay hindi lamang simpleng legal na pasya, kundi isang desisyong may seryosong implikasyon sa pananagutan ng mga matataas na opisyal ng bansa.
Ayon sa kanya, ang impeachment ay malinaw na nakasaad sa Konstitusyon bilang mekanismo ng checks and balances. Kapag ito raw ay basta na lamang pinutol sa umpisa pa lang, nawawala ang saysay ng proseso.
Mariing pinayuhan ni De Lima ang mga mahistrado ng Korte Suprema na aralin muli ang batas at Konstitusyon. Aniya, ang pagiging court justice ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad, ang tamang interpretasyon ng batas, hindi ang paglikha ng mga hadlang sa mga mekanismong itinatadhana mismo ng Konstitusyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento