Sa gitna ng patuloy na imbestigasyon kaugnay ng umano’y flood control anomalies, matapang na ipinahayag ni dating Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor ang buong tiwala niya kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Ayon kay Defensor, “1,000% akong naniniwala kay Zaldy Co”, dahil malinaw umano ang mga detalye at dokumentong inilabas nito kaugnay ng isyung korapsyon.
“Alam ko si Zaldy, hindi ‘yan basta magsasalita kung walang basehan. Nakikita ko sa mga pahayag niya, may laman, may dokumento, may direksyon. 1,000% akong naniniwala sa kanya.” - Mike Defensor
Binigyang-diin ni Defensor na hindi kailangan ni Co na bumalik sa Pilipinas para kumpirmahin ang kanyang mga pahayag. Ayon sa kanya, maaari itong ipanotaryo sa alinmang konsulado ng Pilipinas sa bansang kinaroroonan ni Co, kaya’t walang basehan ang mga nagsasabing dapat siyang personal na humarap sa Senado o sa Ombudsman.
Dagdag pa ni Defensor, hindi magiging ligtas para kay Co na umuwi ng bansa ngayon, lalo na’t ang kalaban umano ay mismong mga nasa kapangyarihan. Giit niya, hindi makatarungang ipilit ang kanyang pag-uwi kung ang mismong gobyerno ang tinutukoy niyang sangkot sa katiwalian.
Sa gitna ng lumalalim na imbestigasyon sa flood control scandal, tumindig si Mike Defensor sa panig ni Zaldy Co, na aniya’y isang testigong may matibay na basehan at hindi basta gumagawa ng kwento.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento