Advertisement

Responsive Advertisement

"TALINO NG PNP, ALAM NANG NASA IBANG BANSA PINUNTAHAN PA RIN" CONG. KIKO BARZAGA BINATIKOS ANG PNP SA NABIGONG HAKBANG SA PAG SERVE NG WARRANT KAY ZALDY CO

Linggo, Nobyembre 23, 2025

 



Matapos ang nabigong pag-serve ng arrest warrant laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, binanatan ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ang Philippine National Police (PNP) sa umano’y hindi maayos na aksyon. Ayon kay Barzaga, “Talino talaga ng PNP,” matapos ipilit ng mga pulis na puntahan ang condo ni Co sa Bonifacio Global City (BGC) kahit alam naman daw nilang wala na ito sa bansa.


“Talino talaga ng PNP. Alam nang nasa ibang bansa si Zaldy Co, tapos pinuntahan pa condo niya sa BGC. Ano ‘yon, for the show lang?” - Rep. Kiko Barzaga


Kamakailan, nagtungo ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Taguig City Police sa nasabing condo ni Co bandang alas-11 ng umaga upang ihain ang warrant of arrest laban sa kanya. Ngunit, ayon sa duty manager ng gusali, wala si Co sa unit, at kinumpirma rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na huling nakita ito sa Japan.


Para kay Barzaga, malinaw na sayang lang ang resources at oras ng kapulisan kung alam na nilang wala sa bansa ang akusado. Ang matapang na pahayag ni Rep. Kiko Barzaga laban sa PNP ay sumasalamin sa pagod ng publiko sa mga mabagal at minsang pa-show na operasyon ng awtoridad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento