Advertisement

Responsive Advertisement

“WALANG KUDETA! TIGILAN ANG KASINUNGALINGAN” – GOITIA, DINEPENSAHAN ANG AFP SA GITNA NG TSISMIS LABAN KAY PANGULONG MARCOS

Biyernes, Oktubre 3, 2025

 



Mariing itinanggi ng civic leader na si Dr. Jose Antonio Goitia ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano’y destabilisasyon o coup d’état laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at binigyang-diin na ito ay “pawang kasinungalingan” lamang na layong hatiin ang bansa.


“Ang AFP ay malinaw sa kanilang paninindigan — walang destabilization plot. Panay kasinungalingan lang ang mga kumakalat na balita,” ani Goitia.


Ayon kay Goitia, malinaw na ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP): “Walang kudeta. Walang destabilization plot.” Ipinahayag din niya ang kanyang buong suporta sa AFP, na aniya ay tapat sa Konstitusyon at sa kasalukuyang administrasyon.


Habang patuloy ang pagkalat ng mga espekulasyon online, iginiit ni Goitia na ang tunay na laban ay hindi kudeta kundi ang laban kontra korapsyon.


“Ang totoong laban ay laban sa korapsyon. Doon nagdurusa ang taumbayan. Ang mga usapin ng kudeta ay distraction lamang sa mga repormang isinusulong ng administrasyon,” paliwanag niya.


Ayon pa sa AFP, hindi sila “mananahimik” sa harap ng mga maling impormasyon na naglalayong wasakin ang tiwala ng publiko sa pamahalaan at sa mga institusyon nito. Dagdag pa ni Goitia, tapos na raw ang panahon ng mga kudeta dahil ang makabagong sandatahang lakas ay tagapagtanggol na ng Republika hindi ang maninira rito.


Sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon, mahalagang maging mapanuri at responsable ang bawat Pilipino. Ang mga kasinungalingang tulad ng coup rumors ay hindi lamang nakakasira ng tiwala sa pamahalaan, kundi nakakaantala rin sa mga repormang tunay na makatutulong sa bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento