Advertisement

Responsive Advertisement

NANGANGAMOY KUDETA: AFP CHIEF OF STAFF BRAWNER INAMIN NA MAY ILANG RETIRADONG AFP OPISYAL BINAWI NA ANG SUPPORTA KAY PANGULONG MARCOS JR.

Sabado, Oktubre 4, 2025

 



Sa gitna ng umiinit na mga protesta kaugnay ng mga iregularidad sa mga flood control projects, ibinunyag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na may ilang retiradong opisyal ng militar ang nanawagan sa kasalukuyang hanay ng AFP na bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ngunit giit ni Brawner, hindi ito pinakinggan ng kasalukuyang pwersa ng sandatahang lakas. Nanindigan umano ang militar sa kanilang katapatan sa Saligang Batas at sa nakaupong Pangulo.


 “Totoo po, may ilang retired officers na nanawagan sa amin na bawiin ang suporta sa administrasyon. Ngunit tumanggi po kami, dahil ang mandato namin ay protektahan ang Konstitusyon, hindi ang makisali sa pulitika,” — Gen. Romeo Brawner Jr., AFP Chief of Staff


Ayon kay Brawner, ang panawagan ay ginawa sa kasagsagan ng mga kilos-protesta noong nakaraang buwan laban sa diumano’y anomalya sa flood control projects ng pamahalaan isang isyung umani ng matinding galit mula sa taumbayan.


Gayunpaman, tiniyak ni Brawner na mananatiling propesyonal at non-partisan ang AFP sa kabila ng mga panawagan ng ilang dating kasamahan.


Ang pahayag ni Gen. Romeo Brawner Jr. ay nagpapatunay na sa kabila ng mga hamon at panawagan ng ilang sektor, ang AFP ay nananatiling tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin — ang protektahan ang sambayanang Pilipino at ang Konstitusyon. Sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon at mga protesta, mahalagang manatiling matatag ang mga institusyon tulad ng AFP upang mapanatili ang kaayusan at demokrasya sa bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento