Advertisement

Responsive Advertisement

FLOOD CONTROL HEARING SA SENADO, SINUSPINDE! MAY PAG-ASA PA BA PARA SA HUSTISYA LABAN SA MGA KORAP?

Sabado, Oktubre 4, 2025

 



Maraming Pilipino ang nadismaya at nainis matapos ihayag ng Senado ang pansamantalang pagsuspinde ng imbestigasyon hinggil sa bilyon-bilyong pisong anomalya sa mga flood control projects ng pamahalaan.


Ayon kay Senate President Tito Sotto, ititigil muna ang mga pampublikong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ngunit magpapatuloy umano ang talakayan sa pamamagitan ng mga executive sessions o mga closed-door meetings upang pag-usapan ang mga legislative proposals kaugnay ng isyu.


“Let’s wait for Sen. Ping’s decision,”

— Senate President Tito Sotto, nang tanungin kung tuluyan nang kanselado ang mga nakatakdang pagdinig sa susunod na linggo.


Agad na umani ng galit at pagkadismaya mula sa publiko ang desisyong ito. Para sa karamihan, tila nabaliwala ang inaasahang hustisya laban sa mga tiwaling opisyal na sangkot sa mga pekeng proyekto at overpricing ng flood control systems.


Bagama’t tiniyak ni Sotto na tuloy pa rin ang trabaho ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), marami ang nagsabi na wala silang tiwala sa ICI dahil umano sa kakulangan ng transparency at public access sa mga imbestigasyon.


Ang pagsuspinde ng Senate Blue Ribbon hearing ay isang mabigat na dagok sa laban kontra korapsyon, lalo na sa mga Pilipinong sabik makakita ng hustisya. Habang sinasabing magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa ilalim ng ICI, nananatiling malaki ang hamon sa pamahalaan na ibalik ang tiwala ng taumbayan sa proseso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento