Hindi na napigilan ng Kapamilya actress na si Julia Barretto ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na bilyon-bilyong pisong nawawala dahil sa korapsyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamilya Barretto sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin na si Mito Barretto, mas pinili ni Julia na ipahayag ang kanyang panawagan laban sa katiwalian sa pamamagitan ng kanyang social media platforms.
“Hindi ko na masikmura na makita ang ganitong uri ng kawalan ng malasakit. Habang ang mga pamilya ay naghihirap, ang pera ng bayan ay napupunta sa iilang bulsa. Ang ₱1 bilyon ay hindi lang numero ito ay pagkain, edukasyon, at kinabukasan ng ating mga kababayan.” -Julia Barretto
Noong Setyembre 25, 2025, nagbahagi si Julia sa kanyang Instagram Stories ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang sources na nagpapakita kung gaano kalaking epekto ang maidudulot ng isang bilyong piso kung ito’y mapupunta sa tama.
Isa sa mga mensaheng kanyang ibinahagi ay nagsasabing:
“P1 BILLION is not just a number. Here’s what it could mean if it worked for us.”
Ayon sa post, ang ₱1 bilyon ay sapat na upang mapakain ang 1 milyong pamilya sa loob ng isang buwan, makapagpatayo ng libo-libong tahanan para sa mga walang tirahan, at makapagbigay ng buong matrikula sa libu-libong estudyante.
Ibinahagi ito ni Julia upang ipakita kung gaano kalaki ang nawawala sa taumbayan dahil sa korapsyon pera na sana’y nakatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino.
Hindi itinago ni Julia ang kanyang pagkasuya at pagkadismaya sa paulit-ulit na isyu ng katiwalian sa gobyerno. Ayon sa kanya, nakakagalit makita na habang milyon-milyong Pilipino ang nagtitiis sa gutom, kawalan ng tirahan, at kakulangan sa edukasyon, may mga opisyal pa ring patuloy na nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Dagdag pa ni Julia, nakakapagod at nakaka-frustrate na patuloy na marinig ang mga balita ng korapsyon, ngunit walang nakikitang hustisya o pananagutan mula sa mga nasa kapangyarihan.
Ang pahayag ni Julia Barretto ay sumasalamin sa damdamin ng milyun-milyong Pilipino na sawa na sa paulit-ulit na katiwalian sa pamahalaan. Sa gitna ng kanilang paghihirap, patuloy ang pag-agos ng bilyon-bilyong piso sa bulsa ng mga tiwaling opisyal perang dapat sana’y ginamit para sa pag-unlad ng bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento