Hindi maipinta ang tuwa at paghanga ng mga netizens sa isang aspin na si Bruno, matapos siyang makuhanan ng larawan habang buong puso at sipag na tumutulong sa kanyang amo sa paghahanapbuhay. Sa viral na larawan, makikita si Bruno na pilit kinakagat at hinihila ang mga sobrang plastic sa plate holder, isang simpleng gawain ngunit napakalaki ng kahulugan para sa kanyang amo.
“Hindi ko siya tinuruan gawin ‘yan. Kusang loob niyang ginagawa kasi alam niyang may parte siya sa pamilya namin. Si Bruno hindi lang alaga kasama ko siya sa bawat hirap at tagumpay.” - Amo ni Bruno
Ang eksenang ito ay agad na nagbigay-inspirasyon sa maraming netizens, hindi lang dahil sa nakakatuwang tagpo, kundi dahil ipinapakita nito kung gaano kalalim ang pagmamahal, katapatan, at dedikasyon ng mga alagang hayop sa kanilang pamilya.
Ayon sa may-ari ni Bruno, hindi na raw bago ang ganitong eksena dahil lagi itong nakabantay at kasama sa araw-araw nilang hanapbuhay, mula umaga hanggang gabi. Kahit pa umuulan o tirik ang araw, hindi siya umaalis sa tabi ng kanyang amo.
Para sa maraming netizens, ipinakita ni Bruno na hindi mo kailangang maging tao para maunawaan ang halaga ng pagtutulungan sa pamilya. Kahit simpleng aso lang siya sa paningin ng iba, alam ni Bruno kung ano ang parte niya sa tahanan ang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.
Tulad ni Bruno, tayong lahat ay may kakayahang tumulong, kahit sa maliliit na paraan. Sa huli, ang bawat maliit na tulong ay malaking ambag sa pagmamahalan at pag-unlad ng pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento