Advertisement

Responsive Advertisement

“HANDA AKONG MAMATAY PARA SA KINABUKASAN NG BANSANG ITO” KIKO BARZAGA NANAWAGAN NG PEOPLE POWER PARA MAPATALSIK SI PBBM

Lunes, Oktubre 6, 2025

 



Matapang na panawagan ang inilabas ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga matapos nitong hikayatin ang sambayanang Pilipino na kumilos laban sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isang halos dalawang minutong video na ibinahagi niya sa kanyang opisyal na Facebook page, nanawagan ang kongresista ng isang “democratic revolt” o mapayapang rebolusyon sa darating na Oktubre 12, na aniya’y layuning mapatalsik si Marcos Jr. sa puwesto katulad ng nangyari sa kanyang ama noong 1986 People Power Revolution.


“Tatlong taon na tayong nagtitiis sa mga pagkukulang ni Pangulong Marcos Jr. Hindi na interes ng sambayanan ang isinusulong niya kundi ang kapakanan ng kanyang pamilya at mga kaalyado sa politika,” mariing pahayag ni Barzaga.


Sa kanyang talumpati, nanawagan si Barzaga hindi lamang sa sambayanang Pilipino kundi pati na rin sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at maging sa mga military reserve forces na makiisa sa mamamayan upang simulan ang panibagong yugto ng pagkakaisa laban sa pamahalaang aniya’y “nabigo sa kanilang tungkulin.”


Isa sa mga binigyang-diin ni Barzaga sa kanyang video ay ang bilyun-bilyong pisong nawawala umano sa flood control projects ng pamahalaan isyung patuloy na binabatikos ng publiko at iniimbestigahan ng Senado. Ayon sa kongresista, ito ay malinaw na patunay ng malawakang katiwalian sa kasalukuyang administrasyon, na dahilan kung bakit nananawagan siya ng sama-samang pagkilos upang “wakasan ang pang-aabuso sa kaban ng bayan.”


“Hindi tayo dapat manahimik. Hindi ito laban lang ni Kiko Barzaga laban ito ng bawat Pilipino na ginagawang biktima ng korapsyon,” dagdag pa niya.


Ang panawagan ni Rep. Kiko Barzaga ng isang bagong people power ay muling nagbukas ng diskurso sa pagitan ng gobyerno at mamamayan tungkol sa pananagutan, katiwalian, at tunay na layunin ng pamahalaan. Habang may mga sumasang-ayon sa kanyang panawagan, mayroon ding naniniwalang dapat idaan sa tamang proseso ang pagbabago.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento