Advertisement

Responsive Advertisement

CHAVIT SINGSON, GUMIGIIT: “BBM, MAGBITIW KA BA BAGO KA PA PATALSIKIN NG TAUMBAYAN!”

Lunes, Oktubre 6, 2025

 



Isang matapang na pahayag ang muling yumanig sa mundo ng politika matapos manawagan si Luis “Chavit” Singson na magbitiw na sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) bago pa siya mapatalsik ng taumbayan katulad ng sinapit ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Ayon kay Singson, dumarami na ang nagagalit at nadidismaya sa kasalukuyang administrasyon, lalo na’t tila walang konkretong aksyon laban sa mga kasong may kinalaman sa bilyun-bilyong pisong anomalya sa flood control projects at iba pang kaso ng katiwalian.


“He should resign bago siya patalsikin ng taumbayan kagaya nung tatay niya… Marami ng nagagalit na tao sa mga nangyayari.” – Chavit Singson


Habang patuloy ang imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon at paglustay ng kaban ng bayan, dumadami ang mga boses mula sa publiko, mga civic leaders, at ilang political figures na nananawagan ng malawakang pagbabago sa pamahalaan.


Habang patuloy ang pag-usbong ng mga isyu ng katiwalian, kawalan ng hustisya, at kakulangan ng aksyon mula sa pamahalaan, mas dumarami ang mga Pilipinong nananawagan ng radikal na pagbabago sa liderato.


 Ang pahayag ni Chavit Singson ay sumasalamin sa lumalakas na damdamin ng publiko na kung hindi kikilos ang kasalukuyang administrasyon, posibleng mauwi ito sa isang makasaysayang pagkilos ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento