Advertisement

Responsive Advertisement

"BUMAGSAK ANG TIWALA SA SENADO, DAPAT IBALIK ITO" SEN. TITO SOTTO SUPORTADO ANG HAKBANG SA PAGBABAGO NG SENATE LEADERSHIP

Lunes, Mayo 25, 2026

 



Kinumpirma ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na suportado niya si Senador Sherwin “Win” Gatchalian bilang posibleng susunod na Senate President.


Sa gitna ng usap-usapang may panibagong galaw para palitan ang liderato ng Senado, nilinaw ni Sotto na hindi siya tahimik dahil tutol siya kay Gatchalian. Sa katunayan, sinabi niyang siya mismo ang naglabas ng ideya na gawing Senate President si Gatchalian.


“Ako mismo ang naglabas ng ideya na gawing Senate President si Sen. Win Gatchalian. Hindi ito tungkol sa personal na ambisyon o pagbabalik ko sa puwesto. Ang mahalaga ngayon ay makahanap ng lider na kayang pagkaisahin ang Senado at ibalik ang tiwala ng taumbayan sa institusyon.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento