Naniniwala si Senador Panfilo “Ping” Lacson na may pag-asa pang maayos ang pananaw ng taumbayan sa Senado, pero hindi ito mangyayari sa salita lang.
Ayon kay Lacson, kailangang magkaroon ng seryosong self-reflection ang mga senador, hindi lang bilang indibidwal, kundi bilang buong institusyon. Inamin niyang mababa ang tingin ngayon ng publiko sa Senado dahil sa mga kontrobersiya, tensyon, at isyung bumabalot sa kapulungan.
“Kailangan siguro magkaroon kami ng self-reflection. Suriin namin ’yung aming mga sarili individually and collectively para pag-isipan namin papaano namin ibabangon ’yung kapurihan ng Senado.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento