Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin pa ng gobyerno ang mga programa para sa mahihirap upang mas maraming Pilipino ang matulungan sa susunod na taon.
Ayon sa Pangulo, layunin niyang dumating ang panahon na wala nang Pilipinong matutulog nang gutom. Nauna na rin niyang sinabi sa isang programa ng gobyerno na pangarap niyang masabing “wala nang gutom na Pilipino,” habang patuloy na itinutulak ang mga programa para sa pagkain, ayuda, at suporta sa komunidad.
“Papalakihin pa natin ang budget para mas marami tayong matulungan. Ang pangarap natin ay simple pero mabigat: wala nang Pilipinong magugutom. Ang pondo ng bayan ay dapat maramdaman ng mga pamilya, lalo na ng mga nasa laylayan.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento