Hindi naitago ni Senador Raffy Tulfo ang kanyang pagkadismaya sa mga nangyayari ngayon sa Senado. Para sa kanya, sobra na ang drama, bangayan, at kontrobersiya kaya tila nagmumukha nang “circus” ang mataas na kapulungan.
Ayon sa mga ulat, sinuportahan ni Tulfo ang mosyon ni Senador Migz Zubiri na tanggalin sa Senate records ang video presentation ni Senadora Imee Marcos tungkol sa umano’y Charter Change at term extension. Sa gitna ng isyung iyon, sinabi ni Tulfo na ilang araw nang nagmumukhang circus ang Senado at pinagtatawanan na sila ng publiko.
“Pinagtatawanan na tayo, nakakahiya na. Ilang araw na tayong parang circus. Dapat tigilan na ang drama at mag-focus na tayo sa trabaho dahil ang taumbayan ang nawawalan ng tiwala sa Senado.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento