Hindi naitago ni Senador Migz Zubiri ang kanyang pagkadismaya matapos magpalabas si Senadora Imee Marcos ng video presentation sa sesyon ng Senado noong Mayo 25 tungkol sa umano’y planong Charter Change, Con-Ass, term extension, at hindi pagtuloy ng 2028 elections.
Sa video, tila idinadawit ang ilang miyembro ng minority bloc sa umano’y lihim na plano para baguhin ang Konstitusyon. Ayon sa ulat, ipinakita umano sa presentation ang sinasabing pagpupulong nina Senate Minority Leader Tito Sotto, House Speaker Bojie Dy, South Cotabato Cong. Ferdinand Hernandez, at dating Senate Secretary Mark Llandro Mendoza noong Abril 22, 2026.
“Ako, hindi ako nagagalit. Kilala niyo ako. Ako ang pinaka-amiable dito. Mahal ko kayong lahat, pero hindi tama ’yung pangyayaring ’yun. Kung galit po kayo, magsalita po siya diyan. Magalit siya sa gobyerno niya. Magalit siya sa kapatid niya. Murahin niya kapatid niya.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento