Advertisement

Responsive Advertisement

“DAPAT BUKAS SA PUBLIKO ANG LAHAT NG TALAKAYAN NG ICI!" AGOT ISIDRO HILING NA GAWING PUBLIKO ANG LAHAT NG HEARING SA ICI

Martes, Oktubre 7, 2025

 



Muling umani ng papuri ang aktres at aktibistang si Agot Isidro matapos niyang ipanawagan ang ganap na transparency sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng multi-bilyong pisong flood control project anomalies. Para kay Agot, hindi dapat isarado sa publiko ang mga mahahalagang talakayang ito dapat ay may karapatan ang taumbayan na makita, marinig, at makilahok dahil pera nila ang pinag-uusapan.


“Suggestion ko lang, dapat yung ICI, ibukas ang talakayan sa publiko. Yung mga documents at ebidensya, ilabas. Kung may meeting, payagan ang media na mag-cover. We demand transparency. We demand inclusivity. Pera namin ‘yang ginagastos niyo. Bakit tinatago sa amin?” — Agot Isidro


Sa isang matapang na pahayag sa social media, sinabi ni Agot na dapat ilantad ng ICI ang lahat ng dokumento at ebidensya sa publiko at payagan ang media na masakop ang mga pagpupulong upang masiguro ang transparency at accountability.


Dagdag pa niya, hindi dapat nanonood lamang ang mga Pilipino habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagsasagutan tungkol sa isyu:


“Sila-sila na nag-aaway. Tayo, mga audience lang? Ganun na lang? Dapat may say tayo sa mga nangyayari. Dapat parte tayo ng mga imbestigasyon, bilang tayo naman nagpapasweldo sa kanila.”


Marami ang sumang-ayon sa panawagan ni Agot, lalo na’t lumalakas ang panawagan ng publiko para sa mas malinaw na proseso sa imbestigasyon. Ilan sa mga netizens ay nagsabing tila nagiging “secret hearing” ang ICI, na kabaligtaran ng layunin nitong labanan ang katiwalian.


Ang panawagan ni Agot Isidro ay hindi lamang simpleng opinyon ito ay boses ng sambayanan na matagal nang naghihintay ng katarungan at katotohanan. Kung tunay na layunin ng ICI ang makamit ang hustisya, kailangan nitong ipakita ang buong proseso sa publiko. Sa ganitong paraan lamang mapapanumbalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento