Muling naging usap-usapan sa social media ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin matapos mag-viral muli ang kanyang lumang post tungkol sa isang malakas na lindol sa Cebu, isang prediksyon na tila natupad makalipas ang ilang taon.
“#CEBU NAKIKITA KO SA VISION KO ANG MANGYAYARI PA LAMANG ANG MALAKAS NA LINDOL. MALAKAS ITO DAHIL SA PINSALA NA NAKIKITA KO. NAKIKITA KO DIN SA VISION KO ANG PINSALA NA TINAMO NG SIMBAHAN SA CEBU AT APOY NAKIKITA KO DIN SA CEBU ISANG APOY NA MALAKI MALAPIT ITO SA KARAGATAN. MAGING MAINGAT LAMANG ANG LAHAT DAHIL ITO AY PWEDEING AGAPAN KUNG MAGING MAINGAT LAMANG ANG LAHAT AT SAMAHAN NG PANALIG SA DIOS.” — Rudy Baldwin
Matatandaan na sa isang Facebook post noong Enero 8, 2021, ibinahagi ni Rudy ang kanyang nakikita umano sa “vision” isang malakas na lindol, malaking pinsala sa mga simbahan sa Cebu, at maging isang malawakang sunog malapit sa karagatan. Ang kanyang post ay muling kumalat matapos yanigin ng 6.7-magnitude na lindol ang Cebu kamakailan.
Sa pagyanig ng Cebu nitong nakaraang araw, libu-libong netizens ang muling nagbahagi ng naturang post ni Rudy Baldwin, tinatanong kung ito ba’y isang coincidence o patunay ng kanyang kakayahang makakita ng hinaharap.
“Hindi ito para takutin ang tao kundi para ihanda tayo. Kung may pagkakataon tayong maagapan ang trahedya sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-iingat, gawin natin. Ang vision ay hindi sumpa, kundi paalala.” — Rudy Baldwin
Ayon sa mga seismologist, natural at hindi maiiwasan ang paggalaw ng fault lines sa Visayas, lalo na sa paligid ng Cebu. Gayunpaman, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na ang mga ganitong babala ay nakakatulong upang mas mapalakas ang paghahanda ng mga tao.
Ang nangyaring lindol sa Cebu ay isa na namang paalala na ang kalikasan ay hindi natin kontrolado at ang paghahanda ay mahalaga. Totoo man o hindi ang mga sinasabing “vision,” walang mawawala kung ating pakikinggan ang mga paalala tungkol sa kaligtasan at pananampalataya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento