Ibinahagi ng mga producers ng pelikulang Wild Boys ang kanilang naging mahirap at umano’y nakakadismayang karanasan sa pakikipagtrabaho sa magkapatid na Aljur at Vin Abrenica.
Ayon sa isa sa mga producer, ito ay nagsilbing malaking aral para sa kanila at nais nilang magsilbing babala ito sa iba pang mga producer.
“Maliit lang kaming production pero malaki ang respeto namin sa trabaho. Sana lahat ng artista, marunong rumespeto rin sa oras at effort ng buong team.”
“This would serve as a warning to other producers, to check out your actors po. Dapat po matuto, kasi kami natuto. And we want other people din to know na talagang ganito pa ang nangyari sa amin. And we hope, hindi na po masusundan,” pahayag ng producer.
Si Joel, mula sa production side, ay nagbigay-linaw na matagal nilang hinanap ang magkapatid matapos ang press conference, ngunit saka lang daw ito nag-reach out.
“We’re not buying that… Hindi po magkakaroon ng miscommunication kung gusto po talaga nila. We can actually show yung mga chat,” dagdag ni Joel.
Isa sa mga malaking isyu na ibinunyag ng production team ay ang umano’y hindi pagsipot ng magkapatid sa pictorial para sa poster at promo ng pelikula. Naghanda na raw ang production ng studio, makeup artist, at iba pang kailangan, ngunit hindi dumating ang mga ito kahit may mensaheng “on the way” na sila. Maya-maya, may dahilan daw ng “aksidente” o “emergency,” na naging paulit-ulit sa iba pang pagkakataon.
Mas ikinagalit pa raw ng production ang hindi pagbibigay ng abiso ng magkapatid sa premiere night at press conference ng pelikula.
“Sa amin po, given the fact na merong emergency, sana man lang noong premiere night at presscon namin, they should have at least informed us na hindi sila darating. Kasi po, ni ha, ni ho, wala silang ibinibigay,” dagdag ni Joel.
Ang rebelasyon ng mga producers ng Wild Boys ay nagsilbing matinding aral hindi lang sa kanila, kundi sa lahat ng gumagawa ng pelikula. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng propesyonalismo at komunikasyon sa industriya ng showbiz. Sa kabila ng pagsubok, patuloy pa rin silang naniniwala sa paggawa ng kalidad na pelikula at umaasang hindi na mauulit ang ganitong insidente.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento