Advertisement

Responsive Advertisement

"SIYA LANG ANG MAKAKASAGOT, PERO HINDI NIYA SINASAGOT" REP. ERICE MINAMADALI NI PANGULONG MARCOS ANG PAGPASA NG 2026 BUDGET

Linggo, Enero 4, 2026

 



Nagbigay ng matapang at diretsahang pahayag si Rep. Edgar “Egay” Erice kaugnay ng pagpasa ng 2026 national budget, kung saan iginiit niyang dapat mismo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sumagot sa mga tanong na hanggang ngayon ay iniiwasan o hindi tinutugunan ng Pangulo.


“Ang problema kasi dito, maraming tanong sa 2026 national budget na si Pangulong Marcos lang ang makakasagot, pero hindi niya sinasagot. Ang explain niya yung korapsyon sa ibaba, pero yung korapsyon sa itaas, hindi niya masagot-sagot.” -Rep. Edgar “Egay” Erice 


Ayon kay Erice, malinaw na nagmamadali si Pangulong Marcos na ipa-approve ang national budget para sa taong 2026. Ngunit ang nakikita niyang problema ay hindi ang bilis ng pagpasa, kundi ang kawalan ng malinaw na paliwanag mula mismo sa Pangulo tungkol sa mga isyung bumabalot dito.


Giit niya, maraming tanong ang hindi masagot ng ibang opisyal ng gobyerno dahil si Marcos lamang ang may direktang kaalaman sa ilang bahagi ng budget na pinagdududahan ng publiko. Giit niya, maraming tanong ang hindi masagot ng ibang opisyal ng gobyerno dahil si Marcos lamang ang may direktang kaalaman sa ilang bahagi ng budget na pinagdududahan ng publiko.


Ayon kay Erice, hindi sapat na magpaliwanag ang Pangulo tungkol sa mga maliliit na anomalya habang tahimik naman sa mas malalaking isyu na “nasa itaas.”


Ang panawagan ni Rep. Egay Erice ay isang malinaw na mensahe, hindi sapat ang mabilis na pagpasa ng budget kung nananatiling hindi malinaw ang mga isyung nakapaloob dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento