Matapang na pinasinungalingan ni Rep. Ronaldo Puno ang naging pahayag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na diumano’y tumanggap ng ₱2 milyon bawat kongresista sa Kamara bilang dagdag na pondo ngayong Pasko.
“It’s not a Christmas bonus. Ito ay additional funding para sa Christmas requirements ng iyong distrito. Bigyan mo ng budget ang bawat barangay captain mo para may Christmas party sila. Hindi ito para sa kongresista, kundi para sa komunidad.” -Rep. Ronaldo Puno
Ayon kay Puno, hindi totoo ang sinabi ni Leviste na parang “Christmas bonus” para sa mga mambabatas ang nasabing halaga. Nilinaw niya na ang pondong iyon ay hindi personal na benepisyo, kundi karagdagang budget para sa distrito, lalong-lalo na para masigurong may sapat na pondo ang mga barangay ngayong kapaskuhan.
Diretsahang sinabi ni Rep. Puno na maling-mali ang pagbibintang na para sa bulsa ng kongresista ang ₱2M. Ayon sa kanya, ang intensiyon ng pondo ay para sa Christmas requirements ng distrito, kabilang na ang suporta para sa mga barangay captains upang makapagdaos ng kanilang mga Christmas party at community activities.
Dahil sa patuloy na pagbibitiw ni Rep. Leviste ng mabibigat na paratang sa Kamara, muling umani siya ng kritisismo, kabilang mula kay Puno na nagsabing dapat maging responsable ang mga mambabatas sa paglalabas ng impormasyon.
Sa gitna ng mga paratang sa Kamara, mariing binigyang-diin ni Rep. Ronaldo Puno na ang ₱2M na sinasabing tinanggap ng bawat kongresista ay hindi personal na bonus kundi pondo para sa serbisyo publiko, lalo na ngayong panahon ng Pasko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento