Sa gitna ng isyung ibinabato ngayon kay Father Flavie Villanueva, isang kilalang Ramon Magsaysay Awardee at tagapagtaguyod ng karapatang pantao, sumalang si content creator Nico David para ipagtanggol ang Pari mula sa mga akusasyong naka-follow umano siya sa isang Facebook page na naglalabas ng mga SPG rated na content.
“Normal lang sa lalalki yan kung may kasalanan man siya, sa Diyos niya iyon, hindi sa batas." -Nico David
Ayon kay David, hindi dapat basta-bastang husgahan ang Pari dahil sa isang “follow” sa social media. Ipinaliwanag niya na posibleng ito ay isang simple, hindi sinasadyang maling pindot, lalo na’t maraming users ang minsang nalilito sa interface ng social media platforms.
Hindi rin isinaalang-alang ng ilan, ayon kay David, ang posibilidad na may nag-set up lamang kay Father Flavie. Sa panahon ngayon, laganap ang paninira gamit ang screenshots, edited photos, at social media manipulation.
Giit niya, kung may intensiyong manira ang ilan, napakadaling magtanim ng kontrobersiya sa pamamagitan ng pag-manipulate ng digital footprints.
Sa panahon ng mabilisang pagkalat ng impormasyon at mas mabilis pang paghusga sa social media, mahalaga ang pag-iingat at patas na pagtingin bago magparatang. Ipinakita ni Nico David na hindi lahat ng kontrobersiya ay dapat palakihin, lalo na kung wala namang masama o ilegal na nagawa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento